Nagdiwang ang mga gay rights advocate sa Estados Unidos.
Sa botong 5-4, idineklara ng Supreme Court ng Amerika na ligal na ang same-sex marriage sa buong bansa.
Sa desisyon ng korte, ipinaliwanag nito na karapatan ng lahat na magpakasal lalo’t ito ang pinaka-mahalagang bahagi sa buhay ng bawat nagmamahalan anuman ang kanilang kasarian.
Bago ang desisyon ng High Court, 37 state lamang ang nagpapahintulot ng gay o same-sex marriage.
Ang legalisasyon ng gay marriage ay isa sa pinakamalaking achievement sa kasaysayan ng American Civil Rights matapos ang pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga Afro-American, noong dekada 60.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)