Aprubado na sa Malta ang same sex marriage.
Ito ay makaraang maisabatas ang panukala ukol dito matapos ang tatlong taon pakikibaka ng LGBT community doon.
Dahil dito, ang Malta ang ika-15 miyembro ng European Union (EU) na naisaligal ang same sex marriage.
Matatandaang 2011 nang maging ligal naman sa Malta ang diborsyo.
- Ralph Obina