Suportado ng mayorya ng mga Australyano ang legalisasyon ng same sex marriage sa kanilang bansa.
Ito ay matapos pumabor sa same sex marriage ang 61.6 percent ng mga mamamayan ng Australia.
Ayon sa Australian Bureau of Statistics, nasa mahigit 12.7 milyon katao ang o katumbas ng mahigit 79 na porsyento ng eligible voters ang nakibahagi sa walong linggong postal survey.
Ayon kay Australian Prime Minister Malcolm Turnbull, ang bumabahang resulta ay nangangahulugan lamang na kailangan nang baguhin ang batas ukol para marriage equality bago sumapit ang Pasko.
—-