Itinutulak muli ni senadora imee marcos ang pagpayag sa ‘joint property ownership’ makaraang paboran ng Santo Papa ang same-sex union.
Sa senate bill 417, layon nito na humalili sa kawalan ng batas hinggil sa same-sex union para magkaruon ng ‘property rights’ ang mga miyembro ng LGBT community.
Kabilang dito ang mga unang panukalang batas na inihain ni Senadora Marcos nang maupo ito sa Senado.
Ako para sa akin, amen, amen uli dahil nag-file ako nung kauupo ko lang bilang senador, nag-file ako ng property relation man lang, ang sinabi ni Pope Francis civil union, di siya marriage. para sa akin dapat maliwanag ang civil union na ‘di agrabyado ang isang partner sa mahabang pagsasama, beki man o tomboy man may karapatan din ‘yan, sabi nga ni Pope Francis they all belong to a family, family of God. ani Marcos
Nais kasi ni Marcos na maging daan ang kanyang panukala na magkaruon ng batas patungkol sa civil unions na poprotekta sa mga miyembro ng LGBT community.
Meron tayong common law, ’yung di kasal babae at lalaki pero di maliwanag na sakop nito ang same-sex maliwanag na babae at lalaki kahit ‘di kasal pero mahaba na pagsasama at may anak pa kinilala ang karapatan sa isa’t isa. ani Marcos
Kasunod nito, ani Marcos, batid niya na hindi lahat ay sang-ayon dito pero nais aniya nitong magkaruon ng patas na pagtingin sa mga miyembro ng LGBT community.
Well I hope so, although alam ko tutol talaga si SP at iba pa pero sa akin di natin ihahambing sa marriage, sa akin lang yung patas patas lang na kilalanin natin kasi sa totoo lang sa dami ng kakilala ko na LGBTQ may talino, masipag, sumikap, kumita sa bandang huli naisahan ng kanilang partner, o kaya tumanda nagkasakit wala silang karapatan o pinanghahawakan sa isat isa. ani Marcos
Sa huli, iginiit ni Marcos na gaya ng sinabi ng Santo Papa, ang bawat isa na nilikha ng diyos, ay may karapatang mamuhay at may pantay-pantay na karapatan.
Katoliko tayo parating may resistance, sinabi na ng Santo Papa may karapatan din ang LGBTQ sino naman tayo para maghusga. ani Marcos sa panayam ng DWIZ