Hindi kikilalanin ng Pilipinas ang pagsasama ng mga Pinoy na magkaparehong kasarian kahit pa ikinasal sila sa mga bansang ligal ang same sex marriage tulad ng Amerika.
Inihayag ito ng Malacañang kasunod ng pagsasaligal ng same sex marriage ng US Supreme Court sa lahat ng estado ng Amerika.
Ayon kay Presidential Communication Secretary Herminio Coloma, malinaw sa umiiral na Family Code of the Philippines na ang kasal lamang sa pagitan ng lalaki at babae ang kinikilala ng batas.
Magugunitang ganap na naisabatas ang family code sa administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino na nagsasabing ang kasal ay isang ispesyal na kontrata at panghabang buhay na pagsasama ng lalaki at babae alinsunod sa batas na nagtatadhana sa pagtatayo ng isang pamilya.
By Jaymark Dagala