Itinalaga ni FIFA president Gianni Infantino si Fatima Samoura, ang UN diplomat ng Senegal, bilang kauna-unahang babaeng secretary general ng organisasyon.
Sinabi ni Infantino na si Samoura ang pinaka competent na tao para sa posisyon dahil mayroon na itong karanasan sa paghawak ng malaking organisasyon.
Si Infantino ay naihalal noong Pebrero at kanyang pinalitan si Sepp Blatter.
Bago maitalagang secretary general, si Samoura ay nagsilbi sa United Nations sa loob ng 21 taon.
Pormal na uupo si Samoura sa kalagitnaan ng Hunyo, matapos ang eligibility check na gagawin ng isang independent review committee.
By: Katrina Valle