Pumatok sa masa ang panibagong flavor ng ice cream sa Manaoag, Pangasinan dahil sa kakaibang lasa nito.
Hindi prutas ang ginamit na sangkap sa paggawa ng ice cream na ito kundi bulaklak ng Sampaguita.
Ayon sa gumawa ng ice cream, nakuha nito ang ideya ng Sampaguita Ice Cream mula sa isang customer nito na nabanggit na gusto nitong subukan ang naturang flavor.
Ayon sa may-gawa ng ice cream, hindi nito inaasahan na papatok ang bagong flavor na bukod sa mabango ay masarap pa.
Ang Sampaguita o Jasmine sa ingles ay ginagawa ring sangkap sa paggawa ng Tsaa o Jasmine Tea. —sa panulat ni Hannah Oledan