Magsisilbing sampal sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mataas na satisfaction rating ng kanyang administrasyon.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pahayag makaraang makapagtala ang pamahalaang Duterte ng positive 72 net satisfaction rating sa isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS sa unang bahagi ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Panelo, ang nabanggit na rating ay ang pinaka-mataas na naitala ng isang administrasyon mula nang simulan ng SWS ang pagsasagawa ng survey noong February 1989.
Patunay aniya ito ng kumpiyansa ng mamamayan sa gobyerno at sinasalamin nito ang magagandang resulta ng mga pagbabagong isinusulong ng pamahalaan.