Tuloy na ang pagsailalim sa dalawang araw na total lockdown ng ng Sampaloc sa lungsod ng Maynila.
Ipinabatid ni manila mayor isko moreno na magsisimula ang shutdown sa Sampaloc District 8:00 p.m. ng gabi sa Huwebes, Abril 23 hanggang alas 8:00 p.m. ng gabi sa Sabado, Abril 25.
Ayon kay Moreno batay sa pinakahuling datos 96 ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Sampaloc at nasa halos 300 residente naman ang under investigation dahil sa nasabing sakit.