Isusumite ng Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) ang mga samples ng dalawang COVID-19 mutations na nadiskubre sa Cebu.
Ngunit nilinaw ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na ang dalawang mutations na natukoy bilang E484K at N501Y ay hindi pa masasabing bagong variants.
Una nang sinasabi ni Dr. Mary Jean Loreche, tagapagsalita ng DOH sa Central Visayas, na ang mga nabanggit na mutations ay itinuturing bilang isang “variant of concern.”