Nag-isyu na ng Memorandum Order ang Commission on Elections kung saan pinapayagan na ang mga botante mula sa sampung mga barangay mula sa “Enlisted Men’s Barrio” o EMBO na bumoto ng kanilang congressman.
Ito’y bilang bahagi ng dalawang lehistradong distrito mula sa Taguig City para sa 2025 midterm elections.
Kabilang sa unang legislative district ang Comembo; Pembo; at Rizal.
Samantala, Cembo; South Cembo; East Cembo; West Cembo; Pitogo; Post Proper Northside; at Post Proper Southside naman ang sa ikalawang legislative district.
Iginiit naman ng COMELEC sa memorandum na ang ginawang desisyon ay upang hindi ma-disenfranchise ang mga rehistradong botante mula sa mga EMBO barangays. - sa panulat ni Alyssa Quevedo