Iginigiit ng FEJODAP o Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines na ibalik muli sa sampung piso ang kasalukuyang siyam na pisong minimum fare sa mga pampasaherong jeep.
Ito, ayon kay Zenny Maranan, pangulo ng FEJODAP, ay dahil nagkaroon na rin ng sunod-sunod na dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa merkado.
Giit pa ni Maranan, hindi naman na magiging matagal ang proseso nito dahil ang kasalukuyang siyam na pisong minimum fare sa mga pampasaherong jeepney ay provisional increase lamang o hindi na dumaan sa hearing ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Samantala, nilinaw naman ng LTFRB na kailangang umabot muna sa mahigit 46 na piso ang halaga ng kada litro ng diesel bago nila ikonsidera ang hinihiling na dagdag-pasahe.