Pinataob ng San Antonio Spurs ang Portland Trail Blazers sa NBA sa iskor na 113-92.
Nilampaso ng Spurs ang Blazers sa una, ikatlo at ika-apat na quarter dahilan ng kanilang pagkapanalo.
Nanguna sa koponan si Keldon Johnson na nakapagtala ng 28 points, 2 reounds at 2 assists.
Nakaambag din sa Spurs sina Zach Collins at Tre Jones na parehong nakapagtala ng tig-18 puntos.
Abangan naman bukas ang susunod na laro ng Spurs kung saan, kanilang makakalaban ang Denver Nuggets, alas-9 ng umaga, oras sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero