Nasungkit ng Golden State Warriors ang ika-72 nilang panalo ngayong NBA season.
Ito ay makaraang talunin ng Warriors ang San Antonio Spurs sa iskor na 92-86 sa pagpapatuloy ng Western Conference.
Dahil dito, napantayan na ng Warriors ang regular season wins ng Chicago Bulls noong 1995 hanggang 1996 na may 72 panalo at 10 talo.
Target naman ngayon ng Warriors na makapagtala ng panibagong record sa oras na manalo sa susunod nilang laban.
Nanguna sa panalo ng Warriors si reigning MVP Stephen Curry na kumamada ng 37 puntos.
By Ralph Obina
Photo Credit: Kyle Terada/USA TODAY Sports