Kinilala bilang Most Organized Pay-out sa social pension sa mga senior citizens ang lokal na pamahalaan ng San Antonio, Zambales.
Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development Region 3 ang paggawad sa nasabing lugar matapos makakuha ng 1st place na tinanggap ng Municipal Social Welfare Office.
Nabatid na ang Munisipyo ng San Antonio pa lamang ang nagagawaran ng pagkilala sa organisado at sistematikong paggawad ng social pension.