Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang bayan ng San Antonio sa lalawigan ng Zambales.
Ang nasabing pagyanig ay naitala kaninang alas-6 ng umaga at ang sentro ay nasa layong 125-kilometro, timog-kanluran ng San Antonio.
Naitala sa 38-kilometro ang lalim ng nasabing pagyanig at tectonic in origin ito.
Wala namang naitalang intensities dahil sa nasabing lindol.
Sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala mula sa naturang lindol subalit posible ang aftershocks.