Nakabuena-mano ang Letran Knights laban sa defending five-time champions San Beda Red Lions sa kanilang best-of-three NCAA Season 91 finals series sa Mall of Asia Arena.
Ito’y matapos maisukbit ng Knights ang score na 94-90 sa game one ng serye laban sa Red Lions.
Tumipa si Kevin Racal ng career-high 28 points para sa Knights.
Nakuha ng letran ang 92-87 lead may 14.4 seconds ang nalabi sa fourth quarter.
Gayunman, nagpasabog si Dan Sara ng tres kaya’t naitala ang score na 92-90 may 10.8 seconds ang natira sa laban.
Isang Layup naman ang ginawa ni Rey Nambatac para mailusot ang upset win laban sa San Beda.
Sakaling manalo ang Letran sa game two sa Martes ay tapos na ang serye at mahuhubaran nito ng korona ang San Beda.
By Jelbert Perdez