Isinailalim na sa state of calamity ang San Carlos City sa Pangasinan dahil sa outbreak ng African Swine Fever (ASF).
Nagpositibo sa ASF ang mga alagang baboy sa barangay Caboloan sa naturang lungsod.
Sa ilalim ng deklarasyon ng state of calamity inaasahang mas mapapabilis ang hakbang para maiwasan ang pagkalat pa ng ASF sa ibang bahagi ng San Carlos City.
Kaagad ding matutugunan ang pangangailangan ng mga apektadong hog raisers.
Isinailalim na sa lockdown ang mga lugar na sakop ng one kilometer radius mula sa apektadong lugar.