Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang bise alkalde ng City of San Fernando sa Pampanga.
Sinabi ni City of San Fernandoo Vice Mayor Jimmy Lazatin na nagtataka siya sa positibong resulta ng kaniyang RT-PCR swab test nuong sabado gayung wala naman siyang travel history sa labas ng kanilang bayan o hindi man niya matukoy kung nagkaruon siya ng close contact sa isang positibo sa COVID-19.
Ayon pa kay Lazatin mayruon lamang siyang kaunting ubo at naka-quarantine na siya.
Umapela naman si lazatin sa kaniyang mga nakasalamuha mula nuong July 20 na kaagad ipagbigay alam sa city health office ng kaniyang tanggapan para maisailalim sa mandatory contact tracing at medical assessment.
Samantala nasa 48 hour lockdown ang barangay isidro sa bayan ng san fernando matapos mag positibo sa COVID-19 ang isang seaman na nakuha ang virus mula sa kaniyang asawa.
Naka isolate na rin ang naturang mag asawa.