Mayroon na ring kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa San Jose Del Monte, sa Bulacan.
Ito ang kinumpirma ni Caloocan Representative Dale Malapitan kung saan isa aniyang residente ng naturang bayan sa Bulacan, at hindi taga-Caloocan, ang pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 na na-confine sa Doctor Jose En Rodriguez Memorial Hospital sa Caloocan City.
Samantala, nilinaw rin na ang naturang pasyente ay hindi residente ng Santa Maria Bulacan gaya ng mga unang napaulat.