Niyanig ng magnitude 5 ang bayan ng San Jose sa Occidental Mindoro ngayong umaga ng Martes.
Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang sentro ng lindol sa layong 58 kilometro timog-kanluran ng bayan ng San Jose, dakong alas-7:24 ng umaga.
May lalim itong 17 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks matapos ang nangyaring pagyanig.
Samantala, unang naitala sa magnitude 4.8 ang naturang lindol ngunit itinaas ito ng PHIVOLCS bago mag-alas-9 ng umaga.