Magbibigay ng tulong ang lokal na pamahalaan ng San Juan City sa lalawigan ng abra na lubhang naapektuhan ng malakas na lindol.
Sa ilalim ng San Juan City Ordinance No. 36-2022, magkakaloob ang lungsod ng P1M sa provincial government ng abra na kukunin mula sa Local Disaster Risk Reduction and Management Fund nito.
Umaasa naman si San Juan City Mayor Francis Zamora na makakatulong ito sa muling pagbangon ng lalawigan.
Noong July 27 nang yanigin ng magnitude 7 na lindol ang Northern Luzon, kung saan labing isa ang napaulat na nasawi habang 574 ang nasugatan.