Ipatutupad muli ng pamahalaang lungsod ng San Juan ang city-wide curfew nito para kontrolin ang paglobo pa ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ang naturang hakbang ay para matiyak na ligtas ang kanilang mga residente sa banta ng hawaan ng virus.
Sang-ayon sa city executive order number fmz-072, tanging mga health workers at ilang mga essential workers lamang ang hindi sakop ng naturang curfew.
Mababatid na magsisimula ang curfew sa lungsod mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5ng madaling araw.
Sa mga lalabag sa naturang kautusan, maaari silang pagmultahin sang-ayon sa ra 11332 o ang mandatory reporting of notifiable diseases and health events of public health concern act.