Magpapatupad na rin ng liquor ban ang lokal na pamahalaan ng San Juan.
Ito ay sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon bilang hakbang para malabanan ang paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ilalim ng City Ordinance No. 24, ipinagbabawal na ang pagbili ng mga nakalalasing na inumin at pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar habang nakasailalim pa sa state of calamity ang bansa dahil sa banta ng COVID-19.
Papatawan naman ng kinauukulang parusa ang sinumang lalabag sa naturang ordinansa.
Samantala, sa ngayon ay mayroon nang 94 na kaso ng COVID-19 sa San Juan City habang higit 100 naman ang kinukunsiderang persons under investigations (PUIs).