Handang maunang magpabakuna laban sa COVID-19 si San Juan City Mayor Francis Zamora.
Ito ay para maalis ang takot ng mga residente ng lungsod sa bakuna.
As long I’m fit to be injected, I will proceed,” ani Zamora
Sa ngayon pumasok rin sa isang kasunduan ang San Juan City sa AstraZeneca upang makakuha ng bakuna kontra COVID-19.
Dagdag pa ni Zamora, kampante siyang lumagda ng kasuduan sa AstraZeneca, dahil maraming ng bansa ang gumagamit sa nasabing brand ng bakuna.
Because other countries are using it,” ani Zamora —sa panayam ng Teka Teka alas-4:30 na!
Samantala, hindi pabor si Zamora, na gawing mandatory ang pagbabakuna laban sa coronavirus bagkus dapat maging voluntary lamang ito. — sa panulat ni John Jude Alabado