Humingi mismo ng paumanhin kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong si San Juan City Mayor Francisco Javier Zamora dahil sa umano’y paglabag sa health protocols.
Ito’y makaraang hindi tumigil sa Kennon Road quarantine checkpoint ang convoy ni Zamora na kinabibilangan ng anim na sasakyan habang sakay din dito ang ilang uniformed personnel
Sinasabing dumiretso sa Baguio Country Club ang grupo ni Zamora kaya’t pinuntahan sila ng mga tauhan ng City Health Service Office para isalang sa triage examination.
Idinahilan naman ni Zamora na hindi niya napansin ang nangyaring paglabag sa safety protocols dahil nakatulog siya nang dumaan sila sa quarantine checkpoint.