Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng San Juan na libreng magpakonsulta at makakuha ng medical certificate ang mga batang may edad na 12 hanggang 17 na may comorbidities sa San Juan Medical Center.
Ang nasabing hakbang ay tulong sa mga mahihirap na magulang na nais pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19 na kailangan ng medical documents.
Ngunit paglilinaw ng pamahalaan, na ito ay para sa mga residente ng nasabing lugar na may San Juan Health Card.
Nabatid na ang nasabing lungsod ay nagsimula nang magbakuna laban sa COVID-19 sa mga menor de edad. —sa panulat ni Airiam Sancho