Napanatili ng San Juan City ang zero new cases ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang lungsod sa nakalipas na 24 na araw.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, batay sa datos mula sa kanilang city health office, bumaba na ang kanilang active case sa 22.
Nananatili naman sa 45 ang bilang ng mga nasawi dulot ng virus habang nasa 335 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit dulot nito.
Barangay Greenhills pa rin aniya ang episentro ng COVID-19 outbreak sa lungsod kung saan, nakapagtala ito ng nasa 48 kaso.
Samantala, nasa tatlong barangay pa rin sa San Juan ang may pinakamaraming tinamaan ng COVID-19 kabilang na ang Barangay Corazon De Jesus, West Crame at Sta. Lucia.