Pormal nang idineklara nina San Juan City Vice Mayor Francis Zamora at Cong. Ronaldo Zamora, ang kanilang plano para sa 2016 elections.
Ayon sa mag-amang Zmora, tatakbo sa pagka alkalde si Vice Mayor Francis Zamora, habang re – election naman bilang kongresista, ang tututukan ng kanyang ama.
Iginiit ng mag – ama na kailangan nang tuldukan ang mahigit sa 4 na dekadang pamumuno ng mga Estrada, sa lungsod, lalo na at hindi naman naramdaman ng publiko ang islogan ng mga ito na, “todo asenso.”
By: Katrina Valle | Jonathan Andal