Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang pag-ilaw sa San Juanico Bridge Aesthetic Lighting and Sound Project na kauna-unahan sa bansa, sa isang ceremonial lighting sa Sta. Rita, Samar Province kahapon.
Umaasa naman si PBBM na makapagpapasigla sa ekonomiya at makatutulong sa pagsulong ng sektor ng turismo sa mga lalawigan ng Samar at Leyte ang 2.16 kilometer bridge na nagkakahalaga ng 80 million pesos na nagkokonekta sa Samar at Leyte
Sa pagkakakumpleto ng naturang proyekto, sinabi ni Marcos na mananatiling nakatuon ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga lalawigan kabilang ang Samar upang mapabuti, mapanatili, at ma-ibida ang ganda ng San Juanico Bridge. — sa panulat ni Hannah Oledan