Mayroong sapat na supply ng PPE o personal protective equipment ang San Lazaro Hospital.
Ipinabatid ito ni Dr. Rontgene Solante, tagapagsalita ng San Lazaro Hospital dahil alokasyon sa PPE ang nakikita nilang problema sa silent protest na isinagawa ng ilang nurse ng ospital.
Sinabi ni solante na kailangan nilang i-regulate ang pagpapalabas ng ppe para tumagal ang mga ito.
Inihayag naman kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nakikipag ugnayan na ang DOH a San Lazaro Hospital at tiniyak sa kanila ng administrador ng ospital na sapat ang supply ng PPE rito.
Iginigiit din ng nurses ng San Lazaro Hospital ang pagbabayad sa kanilang suweldo habang naka mandatory 14-day quarantine na ayon kay Vergeire ay bahagi naman ng kanilang leave credits.