Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng San Luis sa Pampanga.
Kasunod ito nang pagkakalubog sa tubig baha ng 17 barangay ng San Luis matapos bumayo ang bagyong Lando.
Tinatayang 6,000 pamilya mula sa mga naturang barangay ang ini-evacuate sa mas mataas na lugar kasunod ang pagbibigay ng relief supplies sa mga ito.
By Judith Larino