Pinadapa ng Rain or Shine ang San Miguel Beermen sa score na 95-93 sa kanilang bakbakan sa 2021 PBA Philippine Cup sa Pampanga.
Nabaon ng 13 puntos ang Elasto Painters pero bumangon ito sa 4th quarter kaya’t nasungkit ang panalo.
Si Rookie Santi Santillan ang nanguna sa Rain or Shine sa pamamagitan ng kanyang 21 points.
Sa isa pang laro, inilampaso naman ng TNT Tropang GIGA ang Barangay Ginebra sa score na 88-67.