Kinilala bilang Best Player of the Conference ng 2022 PBA Philippine Cup si San Miguel Beermen Center Player June Mar Fajardo.
Ito ay matapos maitala ni Fajardo ang average na 18.6 points; 13.3 rebounds; 3.2 assists; point 7 steals; at 1.4 blocks per game na may kabuoang 41.5 average statistical points (SPS) sa pagtatapos ng semifinals.
Nabatid na nakuha ni Fajardo ang nasabing titulo matapos maitala ang kabuuang 1,119 points na binubuo ng 501 points sa statistics; 537 points sa media votes; at 81 points naman para sa player votes.
Sa ngayon, ito na ang ika-9 na BPC award ni Fajardo, simula nang siya ay sumali sa Liga taong 2012.