Nangunguna pa rin si Philippine Basketball Association (PBA) six-time Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo sa laban para sa PBA Philippine Cup Best Player Conference Award.
Nakakuha si Fajardo, miyembro ng kuponang San Miguel Beermen ng iskor na 18.6 points, 13.3 rebounds, 3.2 assists, 0.7 steals at 1.04 blocks sa bawat laro para makuha ang 41.5 Average Statistical Points (SPs) sa semifinals kontra TNT Tropang Giga.
Sinundan ito ng teammate na si CJ Perez na may 39.3 statistical points at Scottie Thompson na may 37.8 SPs.
Nakatakda namang humarap ang Beermen laban sa TNT sa game 2 ng Best-of-Seven All Filipino finals sa Miyerkules.