Nagwagi ang San Miguel Beermen kontra TNT Katropa sa do-or-die sa Game 7 ng PBA Philippine Cup Finals kagabi na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.
Naiuwi ng Beermen ang titulo sa iskor na 119-97 matapos lampasuhin ang TNT sa ikalawa at ika-apat na quarter.
Nanguna sa koponan sina CJ Perez na may 25 points, 7 rebounds, at 4 assists; June Mar Fajardo, na itinanghal na Finals MVP makaraang maitala ang 19 points, 18 rebounds, 5 assists, na mayroong 2 steals; at Chris Ross na mayroon namang 12 points, 5 rebounds, at 4 assists.
Nabatid na huling nahawakan ng Beermen ang All-Filipino title noong 2019 pero muli itong nabawi ngayong taon.