Isinailalim sa state of calamity ang San Miguel, Bulacan matapos makaranas ng matinding pagbaha dahil sa malakas na pag-ulan bunsod ng Bagyong Karding.
Batay ito sa Municipal Resolution no. 2022-064 na nilagdaan ni Roderick Tiongson, Vice Mayor Alvarez, presiding officer at secretary to the sangguniang bayan Margarita Lualhati Banzuela.
Nabatid na nagresulta sa pinsala sa agrikultura, imprastruktura at pangkabuhayan ang matinding pagbaha sa lugar.
Batay sa datos ng Municipal Social Welfare And Development Office (MSWDO) at Municipal Disaster Risk Reduction And Management Office (MDRRMO), nasa 30,081 kabahayan, 39,903 pamilya at 133,095 indibidwal ang naapektuhan ng Bagyong Karding.