Inilampaso ng Rain or Shine ang San Miguel Beer sa score na 91-85 sa kanilang laro sa 2019 PBA Governors’ Cup na ginanap sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Lumamang ng hanggang 22 points ang Elasto Painters sa unang bahagi ng laro pero bumaba ito sa 2 points makaraang mag-rally ang Beermen sa ika-apat na quarter.
Si Jayvee Mocon ang nanguna sa Rain or Shine sa pamamagitan ng kanyang 16 points, 14 rebounds at 4 assists.
Dahil dito, umakyat ang rekord ng Elasto Painters sa 3-7 kaya’t buhay pa ang pag-asa nitong makapasok sa quarterfinals habang nalugmok naman ang San Miguel sa 6-4 record.