Nagdeklara ng state of calamity ang lungsod ng San Pablo City sa Laguna dahil sa kakulangan ng suplay ng tubig.
Ayon kay San Pablo City Water District Community Relations Chief Alejo Genove, nagsimula ang problema sa tubig sa lungsod noong Disyembre 2018.
Aniya, groundwater ang main source ng kanilang patubig na nanggagaling sa tubig ulan.
Dagdag pa nito, hindi napunan ng mga pag ulan ngayong taon ang kakulangan sa tubig.
Sa ngayon ay humahanap na ng mga pansamantalang solusyon ang lokal na pamahalaan para matugunan ang problema sa tubig.