Balik-operasyon na ngayong araw ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) mula San Pablo, Laguna patungong Lucena City.
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas, makalipas ang halos isang dekadang pagtengga ng tren.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), 30 minuto lamang ang itatagal ng biyahe mula Lucena at Quezon Province hanggang San Pablo, Laguna na dating isang oras.
Ang 44 na kilometro ng inter-provincial railway commuter line ay magiging malaking bahagi sa pagbuo ng PNR Bicol o ‘Bicol Express’.
Regular na P50 ang pamasahe sa tren.