Balik na rin sa normal ang sitwasyon sa bayan ng San Remigio sa lalawigan ng Cebu na isa sa mga hinagupit ng super bagyong Yolanda, apat na taon na ang nakalilipas.
Ayon kay San Remigio Mayor Mariano Martinez, muli nang nakabangon ang kaniyang mga kababayan matapos ang paghagupit ng tinaguriang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo.
Bagama’t tuluy-tuloy na ang pamumuhay ng kaniyang mga kababayan, nananatili pa rin aniyang problema ang ilan sa mga pabahay ng pamahalaan para sa mga labis na naapektuhan ng kalamidad.
Gayunman, ipinagmalaki ni Martinez ang pagiging maagap at mapagbantay ng kaniyang mga kababayan na siyang dahilan kaya’t kakaunti lamang ang naitalang casualty sa kanilang lugar.