Idineklara na ng National Museum ang Minor Basilica of San Sebastian sa Quiapo, Maynila bilang isang National Cultural Treasure na mahalagang bahagi ng kultura at kasaysayan.
Ayon sa Pambansang Museyo, ang San Sebastian ang nag-iisang pre-fabricated steel church o simbahang gawa sa bakal sa asya maging sa buong mundo.
Ang San Sebastian Church rin ang nag-iisang gothic style architecture sa Pilipinas.
Taong 1891 nang matapos ang pagpapatayo ng nabanggit na simbahan na idinesenyo ng arkitektong si Genaro Palacios.
By: Drew Nacino