Nakatakdang ianunsyo ng Trump administration ang sactions na ipapataw nito sa China.
Ito ay matapos ma-determina ng Amerika na hinihikayat ng China ang pagnanakaw at pag-transfer ng intellectual property mula sa US businesses.
Maliban dito, sinabi ng White House na sa kabila ng ilang taong pakikipag-usap sa China ay wala naman anilang nagbago sa mga ipinangako nito.
Kabilang sa mga posibleng lamanin ng sanction ay ukol sa taripa at iba pang measures.
—-