Kinatigan ng United Nations Security Council ang resolusyon na nagpapalawak ng international sanctions laban sa North Korea matapos ang nuclear test nito noong nakaraang buwan.
Sinasabing unanimous ang desisyon ng council sa ginanap na botohan sa UN Headquarters sa New York.
Dahil dito, iinspeksiyunin na lahat ng mga papasok at palabas na cargo sa NoKor habang blacklisted na ang ilang indibidwal at 12 organisasyon.
Ayon kay US President Barack Obama, dapat nang talikuran ng NoKor ang mapanganib na nuclear programs para sa kapakanan ng mga mamamayan nito.
Kabilang sa mga ipinataw na sanction sa NoKor ay ang pagbabawal sa exportation ng coal at iron ore na ginagamit sa paggawa ng nuclear o ballistic missile.
Bawal na rin umano ang pag-eexport ng ginto, titanium ore, vanadium ore, aviation fuel, at mga mineral at gayundin ang military at police co-operation.
Bukod dito, obligado na rin ang financial at banking sector na i-freeze ang assets ng mga kumpanyang iniuugnay sa nuclear at missile programs ng North Korea.
By Jelbert Perdez