Truck-truck ng mga basura ang nahakot ng mga lokal na pamahalaan sa iba’t-ibang mga sementeryo sa buong Metro Manila, isang araw matapos ang All Saints’ Day.
Ito ay sa kabila na rin ng pauli-ulit na paalala sa mga dumalaw sa puntod ng kani-kanilang mga kaanak.
Sa Manila North Cemetery pa lamang nasa apat na truck na ng basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Manila City kaninang alas singko ng umaga.
Kabilang sa mga nakuhang mga basura ay mga styrofoam na lalagyan ng pagkain, mga plastic bottles at balat ng mga biskwit o chichirya.
Maaga ring sinimulan ang paglilinis ng lokal na pamahalaan sa Manila South Cemetery.