Nagpalabas ng air strike ang militar laban sa mga miyembro Daulah Islamiyah na nasa Maguing, Lanao Del Sur.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Ramon Zagala, ginawa ang air strike sa gitna ng pagsasagawa ng Law Enforcement Operations ng 103rd Brigade at PNP against local terrorists.
Layon ng air strike na maprotektahan ang grupo laban sa mga anti-personnel mines na inilatag ng Daulah Islamiyah.
Tiniyak naman ni Zagala na hindi gulo ang dahilan ng air strike dahil nais lamang nitong maipatupad ang safety laban sa terorismo. -sa panulat ni Abigail Malanday