Nagtalaga na ang Malacañang ng bagong mahistrado ng Korte Suprema.
Ito ay si Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo na papalit sa nagretirong si Associate Justice Jose Mendoza.
Bago maitalaga, si Gesmundo ay ang chairperson ng 7th Division ng Sandiganbayan kung saan nagsilbi siya ng labingdalawang (12) taon.
Habang nagretiro naman si Mendoza, kahapon Agosto 13 matapos na maabot ang mandatory retiring age na 70.
By Krista de Dios | (Ulat ni Bert Mozo)