Mananatiling 3 araw pa rin ang bail motion hearing ni Sen. Jinggoy Estrada.
Ito’y matapos ibasura ng 5th Division ng Sandiganbayan ang hirit ni Estrada na gawin lamang na Lunes ang pagdinig sa naturang usapin.
Una nang iginiit ng kampo ni Estrada na nababawasan ang oras ng senador kapag isinagawa ito tuwing Lunes, Martes at Miyerkules.
Subalit pinaboran ng anti-graft court ang argumento ng prosecution team na dapat manatili sa ganoong schedule dahil ito rin naman ang hirit noon ng senador.
By: Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)