Nakalinya nang ipatawag sa susunod na impeachment hearing laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes sereno ang isa ang mahistrado.
Haharap sa susunod na impeachment hearing si Sandiganbayan Associate Justice Geraldine Faith Econg para linawin ang umanoy re establishment ng RCAO o Regional Court Administration Office sa Cebu nuong 2012.
Nabatid na ipina subpoena rin ni House Justice Committee Chair Reynaldo Umali ang mga dokumento sa ginastos ng gobyerno para sa paglulunsad ng regional judiciary office.
Si Econg, dating program management office director sa Korte Surpema at itinalaga pinuno ng RCAO ay nabanggit sa pagdinig kahapon dahil sa pagkakasangkot niya sa muling pagbubukas ng nasabing opisina.
Pina imbitahan si Econg matapos mabigo si Court Administrator Midas Marquez na magbigay ng mga detalye hinggil sa RCAO partikular sa ginastos ng gobyerno para sa launching ng naturang tanggapan.