Ibinasura ng Sandiganbayan ang P200-billion forfeiture case laban sa dating pangulong Ferdinand Marcos at pamilya nito dahil sa kawalan ng ebidensya.
Ayon sa Special 4th Division ng Sandiganbayan, bigo ang prosecutors na patunayan ang kanilang alegasyon laban sa Pamilya Marcos.
JUST IN: Sandiganbayan-4 has dismissed another forfeiture case vs. Marcos family | via @JILLRESONTOC https://t.co/898cTaN3Mx
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) December 16, 2019
Ang nasabing forfeiture case na isinampa ng Office Of The Solicitor General noong 1987 ay naglalayong marekober ang umano’y nakaw na yaman ng Marcoses na nakuha nila habang nasa puwesto pa sa pamamagitan ng mga pondo at iba pang ari-arian.